-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Mutya ng Pilipinas ang kanilang pagbabalik sa pageant scene.

Ayon kay Cory Quirino ang pangulo ng Mutya ng Pilipinas Organization, na gaganapin ang 2023 coronation night nila sa buwan ng Disyembre sa San Juan City.

Isasagawa ang final competition sa Disyembre 10 kung saan dito makilala ang magrerepresenta ng bansa sa Miss Intercontinental, Miss Tourism International at World Top Model contest.

Naglagay din sila ng bagong kategorya at ito ay ang Miss Environment International at Miss Chinese World pageants.

Nakuha noon ng kasalukuyang Mutya ng Pilipinas-Luzon Shannon Robinson ang kauna-unahang nagwagi ng Miss Environment International pageant sa India nitong buwan habang si 2018 semifinals Annie Uson ay nagwagi ng Miss Chinese World contest na ginanap sa Malaysia noong nakaraang buwan.

Kinoronahan si Iona Gibbs at siya ay itinalaga na maging representative ng bansa sa 2023 Miss Intercontinental pageant.

Magsisimula silang tumanggap ng mga aplikasyon para sa nabanggit na pageant sa darating na Hulyo.