-- Advertisements --

ILOILO – Desidido ang multi-awarded na chief of police sa Iloilo na si dating Police Major Charlie Sustento sa pagtakbo bilang kongresista sa ika-apat na distrito sa lalawigan ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Sustento, sinabi nito na babanggain niya sa congressional race si dating Iloilo Fourth Distict Rep. Dr. Ferjenel Biron.

Matandaan na pinasibak ni Biron si Sustento dahil sa pagiging abusado nito matapos hinarangan sa checkpoint ang anak ng kongresista.

Ayon kay Sustento, ang nasabing laban ay hindi lang personal na away kundi nais niyang bigyan ng hustisya ang di makataong pagsibak sa kanya sa tungkulin.