-- Advertisements --

Umabot na sa 198 na personnel ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan sa isinagawang Laging Handa briefing.

Sinabi ni Usec. Batan, nananawagan sila sa mga pasahero ng MRT-3 nitong nagdaang mga araw na obserbahan ang kanilang sarili at agad makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) o magpakonsulta sa ospital kung makaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Simula ngayong araw hanggang sa Sabado, suspendido ang operasyon ng MRT-3 para sa gagawing disinfection.

Kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang ilang depot personnel, ticket sellers, train drivers, control center personnel at nurse.

Ang mga ticket sellers na nagpositibo ay naka-assign sa North Avenue at Cubao stations.