Nakahanda na ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa inaasahang pagbuhos ng mga estudyante kasabay ng pagbubukas ng klase sa Agosto-29.
Ito ay matapos isailalim sa heightened alert statis ang buong linya ng MRT 3, bunsod ng inaasahang pagdami ng mga pasahero.
Ayon sa pamunuan ng MRT 3, 24/7 nang tututukan ng operations division nito ang operasyon ng buong train system.
Ito ay upang matiyak ang mas mabilis na pagresponde sa anumang posibleng aksidente sa kasagsagan ng balik eskwela.
Pagtitiyak ng train management, may sapat na bilang ang mga tren para sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero.
Sa kasalukuyan, mayroong 18 train sets na tumatakbo sa main line tuwing peak hours.
Mayroon namang nakahandang tatlo hanggang apat na unit na maaaring gamitin pa oras na pangangailangan.