CAUAYAN CITY – Isa ang patay at dalawa ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at Bicycle sa harapan ng isang cockpit arena sa Barangay District 3, San Manuel, Isabela
Ang nagmamaneho ng motorsiklo ay si Moises Domingo at ang backride na si Rogelio Liberado ay kapwa residente ng San Mateo, Isabela
Sinabi ni Captain Derupe na ang nagmamaneho ng bicycle na mayroong sidecar na bumibili ng bote at bakal ay biglang nag-U turn at hindi naiwasan ng motorsiklo sanhi para magbanggaan ang dalawang motorista.
Dahil sa tinamong mga sugat sa katawan ay dinala sa pagamutan ang mga sangkot sa aksidente ngunit binawian ng buhay ang backride na si Rogelio Liberado.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Police Captain Resty Derupe, Deputy Chief of Police ng San Manuel Police Station na mabilis ang patakbo ng dalawang motorista dahil sa maluwag ang daan sa nabanggit na lugar ngunit dahil sa biglaang pag-u turn ng tsuper ng bisekleta ay nakabanggaan ang motorsiklo.