-- Advertisements --
Nanawagan si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga mational at local candidates na kung maari ay itigil muna ang kanilang mga regular na pagsagawa ng mga motorcades dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong langis.
Ayon sa kalihim ang kanyang panawagan ay kahit papano ay makapagtipid ng fuel mula sa mga caravans at motorcades.
Aminado naman ang namumuno ng PDP-Laban mula sa administrayon na “conscience call” na lang ang kanyang panawagan at bahala na ang kandidato kung tatablan sila o susunod sa kanyang panukala.