-- Advertisements --
image 230

Bilang learning area o subject, ang mother tognue ay inalis na sa adjusted K to 10 curriculum na inilunsad ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni DepEd Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, ang kanilang inalis ay ang mother tongue bilang subject pero hindi mother tongue bilang medium of instruction alinsunod sa K to 12 law.

Ipinaliwanag naman ni Bureau of Curriculum Development Director Joyce Andaya ang mother tongue, bilang isang subject ay maaari namang makuha o mapag-aralan sa iba pang learning areas.

Binanggit ng DepEd na mayroon ding ilang issu sa pagpapatupad ng sariling wika bilang paksa.

Dagdag pa dito, sa kasalukuyang curriculum, may asignaturang Filipino at asignaturang Mother Tongue na kung saan tinatanong ng mga guro kung ano ang pagkakaiba ng dalawang paksa.

Ang pagkalito na ito ay kabilang sa mga dahilan kung bakit nagpasya ang DepEd na tanggalin ang sariling wika bilang asignatura sa adjusted K to 10 curriculum.

Bago pa man pormal na inilunsad ng DepEd ang revised K to 10 curriculum, tinututulan na ng mga grupo ng mga guro ang pagtanggal ng Mother Tongue subject sa nasabing bagong curriculum.