-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Isa na naman sa most wanted personalities na umano’y naging utak ng Maguindanao massacre ang naaresto sa Misamis Oriental.
Ito’y sa pamamagitan ng pinagsamang operasyon ng Philippine National Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Nahuli ang suspek sa Barangay Mohon, Tagoloan, Misamis Oriental matapos maisilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest mula sa sala ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ni Presiding Judge Jocelyn Solis laban kay Nassir Adam, residente ng Maguindanao.
Ayon kay CIDG-10 spokesperson Jerome Villegas, isa si Adam sa mga nasampahan nga kasong pagpatay noong Nobyembre 2009.
Nakatakdang ibiyahe ang nahuling suspek sa Quezon City upang iharap sa korte.