Reading Time: 1 minute

Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Casablanca, Morocco ang employer ng 49-anyos na Pinay worker na nahulog sa gusali sa nasabing lugar.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang amo at tauhan OFW, bago nangyari ang insidente.

Ayon kay Philippine Embassy to Tripoli Chargé d’Affaires Elmer Cato, nagdesisyon ang Pinay na tumakas dahil sa negatibong pagtrato ng hindi pa pinangalanang employer.

Sa ngayon, nagpadala na ang pamahalaan ng mga opisyal na mag-aasikaso para mapauwi ang labi ng biktima.