-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni Moira Dela Torre na ito ay nominado sa MTV Europe Music Awards (EMA) para sa kategoryang Best Asia.
Siya lamang ang nag-iisang Filipino artist na nominado na katunggali nito ang K-Pop group na TREASURE; Thai actor at singer si Bright; Japanese boyband na Be First at Indonesian singer at actress na si Tiara Andini.
Humakot naman ng nominasyon si Taylor Swift na mayroong kabuuang pito kabilang ang Best Artist, Best Song at Best Video para sa kanta nitong “Anti-Hero”.
Matatapos ang botohan sa Oktubre 31 at gaganapin ang awarding ceremony sa Nobyembre 5.