-- Advertisements --
LA UNION – Nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa nawawalang mangingisda sa bahagi ng West Philippines Sea.
Nakilala ang naturang mangingisda na si Rico Undocon, 30, residente ng Barangay Inhobol sa bayan ng Masinloc, Zambales.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Capt. Jojit Ofiaza, information officer ng Naval Forces Northern Luzon, sinabi nito na nabigong makauwi sa kanilang tahanan si Undocon base sa mga kwento ng kapwa mangingisda dahil sa paghambalos ng naglalakihang alon sa dagat sa kanyang bangka.
Nanawagan ngayon ang otoridad sa mga mangingisda at maging sa mga barkong naglalayag na kung sakaling makita nila si Undocon sa karagatan ay tulungan itong makabalik sa dalampasigan.