Nasa bansa ngayong si Miss Universe Sheynnis Palacios.
Sa social media account ni Miss Universe Philippines (MUPH) Pres. Jonas Gaffud ay nagpost ito ng larawan kasama ang Nicaraguan beauty queen habang nasa paliparan sila.
Kasama rin niyang sumalubong sina MUPH Executive Vice President Voltaire Tayag ,Miss Universe Organization (MUO) VP for Global Partnerships Olivia Quido-Co at VP for International Relations Mario Bucaro.
Ang pagbisita ni Palacios sa bansa ay bahagi ng kaniyang Asian tour na nagsimula sa Laos, Cambodia, Thailand at China.
Pagkatapos nito sa Pilipinas ay magtutungo siya sa India.
Magsasagawa ito ng motorcade sa bansa kung saan hanggang Mayo 7 pa ito mananatili.
Sa tatlong magkakasunod na taon ay bumisita na sa Pilipinas ang mga bagong Miss Universe titleholders.
Una ay noong 2023 ng bumisita si R’Bonney Gabriel at noong 2022 ay bumisita si Harnaaz Sandhu.