-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Miss Universe president Paula Shugart.

Isinagawa nito ang anunsiyo kasabay ng Miss Universe Naitonal Costume Show sa El Salvador.

Sinimulan niya ang kaniyang talumpati sa pakikipag-ugnayan niya kay El Salvador President Nayib Bukele para maisakatuparan ang pageant sa nasabing bansa.

Aminado na ito na sa una ay nag-alangan siyang gawin ang pageant sa El Salvador dahil sa mga negatibong balita subalit pinatunayan nila na mali ang kanilang hinala.

Naniniwala ito na ang Miss Universe ay hindi lamang tungkol sa isang babae at sa halip ay ito ay tungkol sa komunidad.

Ipinagmalaki nito ang mga pagbabagong nagawa sa Miss Universe gaya ng pagpayag na makasali na ang mga transgender ganun din ang mga may-asawa na at ina na sumali sa pageant.

Matapos ang talumpati ay doon nito isinambit ang pagtatapos ng kaniyang termino na hinawakan ng 25 taon.