-- Advertisements --
Inanunsiyo na ng organizers ng Miss Universe Philippines 2024 ang kanilang coronation date.
Sa social media account ng Miss Universe PH organization ay gaganapin umano ang coronation sa Mayo 22 sa Mall of Asia Arena.
Magsisimula umano silang magbenta ng tickets sa Abril 8.
Ipapasa ni Miss Universe Philippines Michelle Dee ang kaniyang corona sa mapalad na magwawagi sa 54 na kandidata.
Magugunitang 55 ang unang kandidatang subalit umatras ang pambato ng Angeles City na si Joanne Thornley dahil sa problema nito sa kalusugan.