Tiniyak ng pamunuan ng Western Mindanao Command na hindi nila pababayaan ang kanilang sustained military operations laban sa mga teroristang grupo.
Ito’y kahit nasa election mode na ang militar ngayon sa Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Westmincom spokesperson Col. Gerry Besana na simula noong nakaraang linggo nang mag-ikot na sa iba’t ibang lugar na kanilang sakop ang kanilag hanay.
Layon daw nito na matiyak na in-placed ang security measures na ipapatupad dahil halos lahat umano ng threat groups ay nag-ooperate sa Western Mindanao.
May mga tropa pa rin ang nakatutok sa mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf sa Basilan,Sulu, Tawi Tawi at mga ISIS inspired groups sa Central Mindanao at Lanao del Sur.
Ani Besana may mga security adjustment ng ipinatupad ang Westmincom lalo na sa mga lugar na inilagay sa critical areas.
Magkatuwang ang PNP at AFP para tiyakin na maging mapayapa at maayos ang 2019 national and local elections.
Dagdag pa ng opisyal malaking tulong din ang umiiral na martial law sa Mindanao sa pagpapatupad ng seguridad.
Kuntento naman ni Lt Gen. Arnel Dela Vega sa naging latag ng mga seguridad ng kaniyang mga ground commanders.










