ILOILO CITY – Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Army ang mga rebeldeng kanilang nakaengkuwentro sa bayan ng Maasin at Miagao Iloilo.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Captain Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na konektado ang naganap na harrasment sa Maasin, at sa sinundang sagupaan sa Miagao.
Ayon kay Pancito, layunin ng mga rebelde na mahati ang atensyon ng militar upang mailabas nila at mabigyan ng atensyong medikal ang sugatan nilang mga kasama.
Ani Pancito, nahihirapan na ang rebeldeng grupo dahil patuloy ang opensiba at mahigpit na pagbabantay ng militar sa mga komunidad sa buong Panay Island.
Nananawagan naman ang Philippine Army sa mga mamamayan na huwag matakot at mangamba dahil nakahanda ang militar na protektahan ang buhay ng mas nakararami.