-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot sa ilang mga sibilyan ang engkwentro ng militar at New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 72nd Infantry Battalion Philippine Army commanding officer Lieutenant Colonel Jopse Regonay Jr na nakasagupa nila ang mga NPA ng Guerilla Front 57 sa Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato.
Malayo sa residential area ang nangyaring engkwentro ngunit dinig na dinig ng mga sibilyan ang palitan ng putok ng mga sundalo at NPA.
Una rito, nagpapatrolya ang mga sundalo nang makasagupa ang mga rebelde.
Dalawa na umano sa mga NPA ang nasawi at ligtas naman ang tropa ng 72nd IB.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar ang mga NPA sa bayan ng Arakan.