-- Advertisements --
image 6

Tinamaan nanaman ng sakit na COVID-19 sa ikalawang pagkakataon ang actor-singer at comedian na si Michael V.

Sa kaniyang Instagram ay binahagi ni Bitoy ang larawan ng kaniyang COVID-19 testing kit na may positibong resulta ng nasabing sakit.

Makikita sa kaniyang caption na pati raw kaniyang asawa ay nadamay rin sa naturang sakit ngunit hindi niya kinumpirma kung ito ba ay nagpositibo rin o naging close contact lamang.

Dito ay nagpaalala rin siya sa publiko na patuloy na mag-ingat dahil bagama’t hindi na kasing lala ng dati ay nananatili pa rin aniya ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Magugunita na noong July 2020 unang nagpositibo sa COVID-19 si Michael V na kaniyang idinokumentaryo sa kaniyang Youtube channel.