-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Miami Heat matapos na tambakan kanina sa Game 5 ang Philadelphia Sixers sa iskor na 120-85.

Dahil dito abanse na sa best-of-seven series sa Eastern Conference ang Miami sa 3-2 record.

Nanguna sa diskarte ng top team na Miami sina Jimmy Butler na may kabuuang 23 points, na sinuportahan naman ni Max Straus gamit ang 19 puntos at 10 rebounds.

Ang 35 points na kalamangan ng Miami sa pagtatapos ng game ay ang pinakamalaking margin of record ngayong NBA playoffs.

Walang nagawa ang mga Sixers superstars na sina Joel Embiid, James Harden at Tayrese Maxey sa balanseng pag-atake ng Miami.

Liban kasi kina Butler at Straus, sina Victor Oladipo ay nagpakita ng 13, nasa 12 puntos naman ang ibinigay ni Bam Adebayo at tig-10 naman kina Tyler Herro at P.J. Tucker.

Hawak ngayon ng Heat ang NBA-best na 6-0 wins sa home games ngayong playoffs.

Sa panig ng 76ers nagtapos sa laro si Embiid na may 17 points at 5 rebounds.

Samantala, posibleng tapusin na ng Miami ang serye sa Game 6 doon sa teritoryo ng Sixers sa Biyernes.