Inamin ng Miami Heat President Pat Riley na hanggang ngayon ay hindi pa siya naka-move on sa pagkatalo ng kanilang team sa Eastern Conference finals laban sa Boston Celtics.
Aminado rin ito na hindi pa siya lubos na nakakarekober at matanggap ang nakakagulat na kinalabasan ng serye.
Ginawa ng dating coach legend ang pahayag sa exit press conference.
Nilinaw din naman nito na kontento siya sa inabot ng kanilang koponan at magpapatuloy ang kanilang build up ngayong summer para paghandaan ang bagong season sa Oktubre.
Tumanggi naman itong ibulgar kung sino ang posibleng pakawalan nila na players upang palakasin pa ang team.
Ipinagmalaki rin nito ang kanilang magaling na player na si Jimmy Butler, ang pagnanais niya na makabalik pa rin si PJ Tucker, ang pag-impove pa ni Bam Adebayo, maging Sixt Man of the Year na si Tyler Herro lalo na ang depensa nito.
Umaasa rin ito na sa susunod na season ay maging malusog na lalo at iwas na sa injuries si Kyle Lowry.
Ukol naman kay Victor Oladipo na posibleng maisalang sa trade, kakausapin daw niya ang agent nito.
“I feel an obligation to finish this build. We got a great great player in Jimmy Butler. We put together a team that got to the Eastern Conference Finals and it was bitter. It was a bitter loss,” pag-amin pa ni Riley. “The dragon hasn’t left my body yet from that loss.”