-- Advertisements --
naia

Nakipagtulungan ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Philippine National Police-Aviation Security Unit (PNP-AVSEU) sa pagsasagawa ng security exercises sa NAIA.

Ito ay naglalayong palakasin ang pagtugon nito sa lahat ng emergency cases sa mga paliparan.

Ang mga pagsasanay sa seguridad ay sa pamamagitan ng Full-Scale Security Exercise (FSSE 2023) na nagsimula ngayong araw.

Kasama sa mga security exercises ang mga senaryo sa pambobomba at pagsabog sa paliparan, aktibong pamamaril at iba pang mga insidente.

Isasagawa ang ehersisyo sa departure check-in hall ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ang nasabing pagsasanay ay upang mapalakas ang kapasidad ng mga awtoridad sa pagtugon sa panahon ng mga aksidente upang tulungan ang mga nangangailangan partikular na sa mga aksidente sa loob ng paliparan.