-- Advertisements --

Itinanggi ng MGM Resorts na baon sa utang dahil sa pagsusugal ang singer na si Bruno Mars.

Kasunod ito sa paglabas ng balita na mayroong $50 milyon na utang ang Filipino-American singer sa kanilang casino.

Ayon sa MGM Las Vegas na naging maganda ang relasyon nila sa singer kung saan matagumpay ang mga show nito sa kanila.

Sa katunayan aniya ay mayroong nakatakdang mga show ang singer sa kanilang casino sa mga susunod na mga buwan.

Magugunitang noong 2016 ng inamin ng singer na panayam ni James Corden na naging sugapa ito sa sugal noong 2016 pero ito ay kaniyang napigil.