-- Advertisements --
Binigyang pugay ng pamunuan ng Philippine Army ang kanilang mga sugatang sundalo na nag-alay ng kanilang sarili sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa bayan.
Mismong si Army Chief M/Gen. Romeo Brawner Jr ang nanguna sa pagbibigay ng regalo sa mga sugatang sundalo na nasa Army General Hospital sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Binigyan ni Brawner ang mga sugatang sundalo ng grocery packs para sa kanilang “noche buena at medya noche”.
Tiniyak din ni Brawner ang pagtutok nila para sa aspetong pangkaisipan at pangangatawan ng mga sundalo bilang numero unong prayoridad ng kaniyang pamumuno.
Target din ni Brawner na pagandahin at isaayos ang mga ospital ng Army para mabigyan ng angkop na atensyong medikal lalo na sa kanilang mga frontliner.