-- Advertisements --

Kinansela lahat ng concert ngayong 2023 ni American rocker Bruce Springsteen.

Sinabi ng ng singer na patuloy ang kaniyang pagpapagaling mula sa peptic ulcer.

Pinayuhan siya ng kaniyang doctor na dahil sa tagal ng nasabing gamutan kaya hindi na muna ito puwede magsagawa ng mga concerts.

Sinabi ng kaniyang banda na EStreet na lahat ng mga hindi natuloy na concerts ngayong taon ay ililipat na sa susunod na taon.

Pinasalamatan ng singer ang mga fans at kaibigan na nagpaabot ng agarang paggaling niya.

Magsasagawa sana ito ng mga shows sa New York, Ohio, Canada, Arizona at Canada.