-- Advertisements --
image 215

Inihahanda na raw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga reklamong isasampa laban sa mga sangkot sa umano’y P1 billion na halaga ng structures sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla, tuloy-tuloy daw ang imbestigasyon ng Bureau of Corrections sa sinasabing pinakahuling korupsiyon sa construction ng mga structures sa New Bilibid Prison.

Sinabi ni Remulla na ipinaalam na sa kanyang ni BuCor chief Gregorio Catapang kaugnay ng kanilang paghahanda para sa mga karampatang kasong isasampa laban kay suspended BuCor director general Gerald Bantag.

Ito ay may kaugnayan sa proyekto o pagtatayo ng apat na gusaling nagkakahalaga ng P1 billion na nasa 95 percent ng pondo ang nailabas na pero hindi pa nakukumpleto ang proyekto.

Una rito, nagpahayag nang pagkabahala si Catapang kaugnay ng P950 million na kumakatawan sa 95 percent ng project cost na inilabas na ng Bureau of Corrections pero ang proyekto ay hindi pa natatapos kahit 60 percent man lamang.

Pero ayon sa abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong wala umanong katotohanan ang mga paratang laban sa kanya.

Hihintayin na lamang umano ng kampo ni Bantag ang posibleng plunder complaint na isasampa laban sa kanyang kliyente.