-- Advertisements --
May kalayaan ang mga pulis sa pagpili ng mga kandidato na gusto nilang iboto.
Ito ang giniit ni Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos sa nagpapatuloy na Local Absentee Voting.
Ayon kay Carlos, hindi iniimpluwensyahan ng kanilang organisasyon ang kanilang mga tauhan sa pagboto dahil hinayaan nila ang mga ito na pumili base sa kanilang napupusuan.
Paliwanag nya, bahagi ang pagboto ng nation-building na bahagi ng karapatang pantalo.
Dagdag pa ni Carlos, balanse ang PNP at walang kinikilingan sa pulitika.
Tapat umano sila sa kanilang tungkulin para sa pagtitiyak ng payapa at maayos na eleksyon.