-- Advertisements --

Kinumpirma ni Negros Oriental Provincial Health Officer Dr. Liland Estacion na may magtungo sa Negros Oriental na hindi bababa sa apat na psychiatrist ngayong Biyernes, Abril 28, para magsagawa ng stress and psychological debriefing sa mga apektadong indibidwal sa Pamplona massacre.

Sinabi ni Estacion na nakatanggap ito ng tawag kahapon mula sa tanggapan ni Senator Imee Marcos at ipinag-bigay alam na may dadating na mga psychiatrists sa lalawigan.

Ikinatuwa pa nito na isa sa mga psychiatrist ang magtungo sa lalawigan para tumulong ay kakilala lang din nito.

Kaya naman hinimok nito ang mga apektadong indibidwal lalo na sa bayan ng Pamplona na i-avail ang nasabing serbisyo dahil malaki pa ang maitutulong nito.

Magkakaroon naman umano ng ikalawang set nito sa Dumaguete City at sa kalapit na lugar na posibleng sa Mayo 5 o Mayo 12 ng taong kasalukuyan.

Matatandaan na kabilang ang provincial health officer sa mga sugatan sa nangyaring Pamplona massacre na ikinasawi ni dating Gov. Roel Degamo at walong iba pa.