-- Advertisements --
image 507

Hindi sususpendihin ng Israel ang anumang mga programa nito sa Pilipinas sa kabila pa ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan nila ng militanteng grupong Hamas.

Ito ang tiniyak ni Israeli Ambassador to the PH Ilan Fluss ngayong araw kabilang na ang kasalukuyang agricultural cooperation ng kanilang bansa sa PH.

Aniya, mayroon pa ring agricultural students sa Israel at nabisita na rin ng mga organizer ng internship program kasama na ang mga opisyal ng embahada.

Ayon din sa Israeli envoy, walang pang nagrequest o humiling sa kanila para sa repatriation.

Dagdag pa ng opisyal na wala itong nakikitang malaking direktang epekto ang giyera sa bilateral trades subalit patuloy aniya ang kanilang isinasagawang mga paganalisa sa sitwasyon sa kanilang bansa.