Magsisilbing gabay sa 18 Liberal Party (LP) members sa Kamara ang kanilang mga sinusunod na prinsipyo, yon kay Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher “Kit†Belmonte.
Sinabi ito ni Belmonte, ang LP Secretary-General, matapos igiit Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na balak nilang mapabilang sa mayorya sa Kamara.
Ginawa ni Erice ang pahayag na ito sa caucus ng speaker-aspirant na si Leyte Representative-elect Martin Romualdez, na dinaluhan din nina Belmonte at incoming Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza.
Para mapabilang sa majority bloc, kailangan iboto ng isang kongresista ang nanalong Speaker candidate sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.
Ilan sa mga LP members, kabilang na si Belmonte, ay sumali sa “supermajority” sa pagsisimula ng 17th Congress.
Gayunman, tiniyak ni Belmonte na pagsapit ng 18th Congress ay isusulong pa rin nila ang “genuine democracy” sa Kamara.