-- Advertisements --
image 126

Todo ngayon ang paalala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na bibiyahe sa mga barko na ipinagbabawal ang pagdala ng anumang uri ng paputok o pailaw sa mga barko at maging sa mga bangkang pampasahero.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu kabilang ang mga paputok at pailaw sa mga explosive na kasama sa deadly items na mahigpit nilang ipinagbabawal na isakay sa mga sasakyang-pandagat.

Kabilang din sa ipinagbabawal ang mga “deadly weapons”, iligal na droga, at iba pa.

Kasama sa paghahanda ng PCG ang pagkansela sa lahat ng uri ng leave ng kanilang mga tauhan para mas mahigpit na mabantayan ang mga pantalan at lahat ng bahagi ng tubig na may presensya ang PCG.

Dagdag pa ni Abu, inatasan na aniya niya ang lahat ng opisyal ng PCG na makipag-coordinate sa mga may-ari ng mga barko para sa mas epektibong pagbibigay ng seguridad at pagbabantay sa mga pasahero.