-- Advertisements --
Pansamantalang isinara ng mga Russian Government ang kanilang paliparan dahil sa malawakang drone attacks ng Ukraine.
Aabot sa 230 drone mula sa Ukraine ang pinabagsak ng Russia mula pa noong Sabado kabilang ang 27 na drones sa kanilang capital.
Dahil sa insidente ay aabot sa 140 na flights ang nakansela.
Ayon sa Association of Tour Operators (Ator) ng Russia na naisara ng 10 beses ang Moscow airports sa loob lamang ng 24 oras dahil sa strike.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na isinara ang mga paliparan matapos ang drone attack ng Ukraine dahil unang nangyari ito noong Mayo kung saan mahigit 60,000 pasahero ang na-stranded.