-- Advertisements --

ILOILO CITY- Isasailalim sa retraining ang pitong pulis sa Western Visayas na naugnay sa illegal drugs.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office 6, sinabi nito na sa pitong pulis, lima ang mula sa Negros, isa sa Iloilo at isa sa Regional Headquarters Support Group.

Ayon kay Malong, ang pitong pulis ay restricted na sa sensitive operations katulad ng intelligence, investigation at police operations ngunit mananatili sila sa serbisyo.

Sinabi ni Malong na dahil tatanggap pa rin ng sweldo ang pitong pulis, sila ay binigyan ng administrative works o anumang trabaho maliban sa mga sensitive operations.

Ang pitong pulis na ito ay priority sa retraining program, ayon kay Malong.

Katulad din ito sa ginagawa sa ni-rerelieve na mga pulis na isinasailalim sa imbestigasyon.