-- Advertisements --
national museum manila

Mananatili pa ring sarado ang mga museum sa buong bansa hanggang bukas, araw ng mga kaluluwa, Nov2.

Ito ay batay sa naging anunsyo ng National Museum of the Philippines.

Kabilang na dito ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology, National Museum of Natural History, at National Museum Tabon Caves Complex

Maliban sa mga ito, sarado rin ang mga national museum sa mga sumusunod na probinsya:

Batanes, Bohol, Cagayan, Cebu, Cordillera, Ilocos, Kabayan, Rizal, Marinduque, Bicol, Iloilo, Dumaguete, Butuan, Zamboanga, at Sulu.

Sa araw ng Biyernes, nakatakda namang buksan ang lahat ng mga ito, para sa publiko.