-- Advertisements --

Makakatanggap ng food packs mula sa national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) ang mga residente na maapektuhan ng granular lockdowns.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, sa kasagsagan ng 14-day granular lockdown ay magbibigay ang LGUs ng food packs para sa unang linggo habang ang kagawaran naman ang bahala sa ikalawang linggo at sa mga susunod pa sakali mang palawigin ang lockdown.

Nauna nang inaprubahan ng “provisionally” ng IATF ang shift sa panibagong strategy kung saan tanging enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ) na may kasamang alert levels system ang ipa-pilot sa Metro Manila.

Sa ilalim ng policy shift na ito, magpapatupad ang mga LGUs ng granular lockdowns o lilimitahan ang galaw ng mga tao sa mga maliliiit na lugar na mayroong mataas na COVID-19 transmission.

Target na masimulan ang pilot testing na ito sa Setyembre 16.