Dumating na sa Pilipinas ang mga labi ng Pinay caregiver na pinaslang ng anak ng kaniyang katrabaho sa bansang Jordan.
Sinalubong sa paliparan ng mga nagluluksang kapamilya na mula sa Macabebe, Pampanga ang mga labi ni Mary Grace Santos.
Nandoon din ang mga opisyal at kinatawan mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA).
Mula sa airport, inihatid na ang mga labi sa Pampanga.
Batay sa autopsy, pinaslang sa pamamagitan ng pagsakal sa OFW.
Samantala, naaresto na at umamin sa krimen ang menor de edad na suspek, na anak ng katrabaho ni Santos.
Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pinoproseso na nila ang mga tulong pinansyal na iaabot sa pamilya ni Santos.