-- Advertisements --
israel4

Dumating na sa Pilipinas ang bangkay ng isang overseas Filipino worker na nasawi sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant group na Hamas.

Hindi isiniwalat sa ulat ang pangalan ng 49-anyos na OFW, na ang mga labi ay dumating mula sa Israel bago mas alas-4 ng hapon.

Ayon sa Department of Migrant Workers, ang babae ay isa sa apat na OFW na kumpirmadong napatay sa simula ng pag-atake ng mga terorista ng Hamas sa southern Israel noong Oktubre 7, 2023.

Ang kanyang mga labi ay ililipad mula Maynila patungo sa kanyang sariling probinsya sa Negros Occidental sa Linggo.