-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng CCM Film Productions ang kumakalat na maling ulat tungkol sa umano’y pagpanaw ng beteranong aktor na si Dante Rivero, at tiniyak na siya ay buhay at aktibo pa rin sa taping ng isang series sa telebisyon.

Sa opisyal na pahayag ng production company nitong Sabado, Hulyo 19, sinabi nilang biktima ng death hoax si Rivero, at ang mga kumakalat na larawan at video ay peke o fake news.

Hinimok din ng kumpanya ang publiko na huwag nang magpakalat ng maling impormasyon sa social media.

Maaalalang Rivero ay kasalukuyang gumaganap bilang Gustavo Guerrero, isang dating alkalde ng Maynila at miyembro ng makapangyarihang pamilya Guerrero sa isang sikat na serye sa telebisyon na ipinalalabas tuwing gabi.