-- Advertisements --
Pansamantalang ipinapatigil ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga karne ng mga baka mula sa Netherlands at poultry products mula sa Turkey.
Kasunod ito sa pagkalat umano ng mad cow disease sa The Netherlands habang ang avian influenza sa Turkey.
Sakop ng nasabing ban ang mga live animals, meat at meat by-products na galing sa mga baka ganun din ang mga domestic at wild birds at mga produkto nila.
Magiging epektibo agad ang nasabing ban at kasabay din nito ay kinansela nila ang paglalabas ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance.
Dahil dito ay mas pinaigting nila ang pagbabantay sa mga mga pumapasok na mga meat product lalo na kapag ito ay galing sa nasabing mga bansa.










