-- Advertisements --

CEBU – Labis na ikinatuwa ng pamilya ni Nicole Borromeo ang kanyang tagumpay bilang Bb. Pilipinas International 2022.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu sa tiyahin ni Nicole na si Maricel Borromeo Amores, na ipinagmamalaki nila hindi lamang nang pamilya ni Nicole, kundi maging ang lahat ng Cebuanos ang naging tagumpay nito.

Aniya, deserve nito ang magwagi sa nasabing korona dahil sa makikita rin ang napakagandang performance ng kandidata lalong lalo na ang naging winning answer nito sa nasabing pageant.

Dagdag pa ni Amores, na alam na niya noon pa na may kakayahan si Nicole sa mga pageants dahil na rin sa talino at gandang taglay nito.