-- Advertisements --
Nagtalaga ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga tauhan na mangangasiwa sa structural integrity test sa lalawigan ng Batangas at mga karatig na lugar na naapektuhan ng 6.3 magnitude na lindol.
Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, layunin nitong makita kung nananatili ang kapasidad ng mga gusali at iba pang istraktura para magamit ng mga tao.
Ang makikitaan ng mga bitak ay isasailalim sa hummer test at iba pang pagsusuri, bago maideklarang ligtas itong gamitin.
Kasama sa mga titingnan ang mga pasilidad sa Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon.










