
Umaapela na ang mga Israeli sa kanilang gobyerno na magpatupad ng mga hakbang para isalba ang mga bihag ng Palestinian militant group na Hamas kabilang ang 33 anyos na Pinoy.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga protesta para ipanawagan sa kanilang gobyerno na iligtas ang mga bihag mula sa Gaza na kuta ng Hamas nang walang nasasaktan.
Nitong Miyerkules, kinumpirma ng gobyerno ng Israel na kabilang ang 2 pinoy sa tinatayang 220 bihag na kasalukuyang nasa kamay ng Hamas.
Subalit ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) gayundin ang PH embassy sa Tel Aviv kanila pang biniberipika ang naturang impormasyon.
Kabilang kasi sa inilabas ng Israeli Foreign Ministry na mga larawan sa isang press conference na umano’y dinukot ng Hamas ang isang nawawalang Pinoy na kinilalang si Jimmy Gelienor Pacheco.
Base sa pinakabagong datos mula sa Israeli government, nasa 138 ang bihag ng Hamas ang mayroong foreign passports mula sa 25 iba’t ibang bansa kabilang ang 54 Thai nationals, 15 Argentinians, 12 Germans, 12 Americans, six French, six Russians, 1 Chinese, at 1 Sri Lankan national.










