Sumailalim sa limang araw na training ang mga health care workers sa ibat ibang bahagi ng Luzon para sa biosafety training.
Kabilang sa mga lumahok dito ay ang mga medical technologist, doktor, at mga narse.
Ayon sa DOH, pangunahing layunin ng naturang training ay ang sanayin ang mga health care workers sa ibat ibang biosafety measures katulad ng paggamit ng personal protective equipment (PPE), biorisk mitigation control, pagbibiyahe ng mga infectious substances, at pagresponde sa aksidente at anumang insidente sa loob ng mga laboratoryo.
Ang naturang training ay pinangunahan ng DOH at Research Institute for Tropical Medicine(RITM).
Bahagi rin nito ay upang sanayin ang mga health care workers sa maagap na pagtukoy sa mga sakit na may public health importance, katulad ng COVID-19.
Samantala, ang mga health workers na sumali rito ay mula sa Metro Manila, Ilocos, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Mimaropa, Calabarzon, at Bicol region.