-- Advertisements --
Hindi na kailangan pang magpakita ng confirmatory swab tests ang mga fully-vaccinated nang turista sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Pero, sinabi ni Mayor Rocky Ilagan na kailangan pa rin dumaan naman ng mga biyahero sa isang “strict interview” at triaging pagdating nila mismo sa lugar.
Nilinaw ni Ilagan na ang protocol na ito ay para lamang sa mga fully vaccinated na dahil iyong mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa rin talagang sumailalim sa RT-PCR test.
Ayon kay Ilagan, ang mga pupunta sa kanilang lugar ay bibigyan ng QR code para sa contact tracing.