-- Advertisements --

Nasa 3,500 metriko tonelada lamang sa halip na 5,000 MT na mga imported na sibuyas ang dumating sa bansa mula noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Department of Agriculture Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Rex Estoperez na mas mababa ang nasabing bilang kaysa sa inaasahan nila.

Nasa cold storage na facilities na ito matapos na pumasa sa first border control ang shipment.

Dahil aniya dito ay bumaba na ang presyo ng mga local na sibuyas kumpara sa mga imported na sibuyas.