Bumuhos ang mga taga-hanga at malalapit na kaibigan ng yumaong beteranong aktres na si Amalia Fuentes sa unang gabi ng public viewing ng labi nito kagabi.
Ngayon na rin ang huling araw ng burol ng veteran actress-producer kaya inaasahan ng pamilya nito na dadami pa ang mga makikiramay sa Mt. Carmel Shrine sa Doña Juana Avenue, New Manila, Quezon City.
Ala-1:00 ng hapon bubuksan ang public viewing mamaya na magtatagal hanggang alas-12:00 ng hatingabi.
May misa naman pagdating ng alas-7:30 ng gabi, gayundin bukas ng alas-8:00 ng umaga bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan.
Samantala, nananatili naman ang lamay ng Theater legend na si Tony Mabesa sa Hall A ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.
Wala pang detalye mula sa pamilya nito kung kailan ang libing ng yumaong beteranong aktor.