Pumalo na sa mahigit 300,000 na mga foreign tourists ang naitala ng Department of Tourism (DOT) na bumibisita sa Pilipinas kasunod ng muling pagbubukas ng borders nito sa mga dayuhan noong Pebrero.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Puyay na patuloy na pagdami ng mga dumadating na sa bansa ay nagpapahiwatig lamang na nakakabangon na ang tourism industry at maging ang ekonomiya mula sa pagkakalugmok nito noong tumama ang pandemya sa bansa.
Sa datos ng kagawaran ay nasa kabuuang 319,047 na ang bilang ng mga arrivals na naitatala sa bansa mula noong Pebrero 10 hanggang April 25, kung saan ay nakitaan pa ng mas pagtaas ngayong buwan.
Karamihan sa mga ito ay nagmula sa Estados Unidos, na sinundan naman ng bansang Canada, at South Korea.
Samantala, positibong ipinahayag din ni Puyat na posibleng idaos sa bansa ang 2022 World Travel and Tourism Council (WTTC) Global Summit na higit aniya na magpapalakas pa sa sektor n turismo dahil magiging tulay daw ito para ipabatid sa mas maraming mga dayuhan ang Pilipinas ay isang ligtas at masayang destinasyon para puntahan.