Agad humingi ng paumanhin at pang-unawa ang Maynilad Water Services Inc. sa kanilang mga customers dahil sa mararanasang water interrruptions simula ngayong araw.
Ayon sa Maynilad Water Services Inc., magtatagal ang naturang interruption hanggang sa Martes Pebrero 7.
Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng water interruption ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Cavite, Parañaque at Pasay City.
Sinabi ng Maynilad na ang water service ay apektado dahil na rin sa mataas na raw water turbidity na dala ng Northeast Monsoon o Amihan winds.
Hinimok naman nila ang mga apektadong customers na mag-ipon na ng tubig habang mayroon pang tumutulo sa kanilang mga gripo.
Sa sandali naman daw na bumalik na ang water service ay maiging paagusin muna ang tubig hanggang sa maging malinaw na ito.
Mayroon naman daw mobile tankers na iikot sa mga apektadong lugar para mag-deliver ng potable water.
Maaari rin umanong kumuha ang mga residente ng tubig sa mga stationary water tanks na naka-install sa ilang lugar.