DAGUPAN CITY– Nararapat nang seryosohin ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand bongbong Marcos na maibigay na ang nararapat na benepisyo para sa mga health care workers sa bansa.
Ayon kay Robert Mendoza, Presidente ng Alliance of Health Workers na sa pag-uutos ni Pang. Marcos kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na resolbahin ang mga isyung nakaaapekto sa benepisyo ng mga health worker sa bansa, sana ay matugunan nga ito ng maigi para na rin sa kanilang hanay.
Aniya, sa panunungkulan ng dating pangulong Rodrigo Duterte ay hanggang pangako lamang ngunit hindi natugunan ito hanggang sa ito na ay natapos na sa kanyang panunungkulan.
Kinakailangan umano na maibigay ang karapat-dapat na benepisyo lalo sa hirap na kinakaharap ng kanilang hanay lalo na sa covid19