-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) na pinapayagan ang mga batang edad 11 pababa na makabiyahe pauwi sa kanilang probinsya basta kasama ang mga magulang na bakunado na kontra COVID-19.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago maituturing essential ang pagbiyahe ng mga residenteng uuwi sa kanilang mga probinsya,

Pero kailangan lamang ng mga ito na sumunid sa alituntunin na itinatakda ng Department of Transportation at ng PPA.

Paglilinaw ito ni Santiago matapos na makatanggap ng mga sumbong hinggil sa pagharang o hindi pagpayag sa ilang mga tao na makauwi sa probinsya dahil kasama nila ang kanilang hindi pa nababakunahang mga anak na edad 11 pababa.

Daghdag pa niya, iniwasto na nila at nilinaw na rin ang usapin na ito sa kanilang mga tauhan o kawani sa ground.

ENero 11 nang maglabas ang DOTr ng kautusan na naglilimita sa access sa public transportation sa NCR ng mga indibidwal na hindi pa bakunado kontra COVID-19