-- Advertisements --
ILOILO CITY- Ipinasara ng Iloilo City Government ang 10 commercial establishment sa itinuturing na nightlife capital na Smallville Complex, Mandurriao, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr.Jeck Conlu, spokeperson ng COVID-19 team ng Iloilo City Government, sinabi nito na sinilbihan ng closure order ang mga establishments dahil sa ilang violations katulad ng hindi pag-secure ng business permit at hindi pagsunod sa health protocol.
Ayon kay Conlu, una nang nagbigay ng warning ang city government sa nasabing establishments ngunit hindi ang mga ito sumunod.
Napag-alaman na muli nang pinayagan ang night life sa Iloilo City at na-lift na rin ang liquor ban sa lungsod.